Para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa isang kumpanya(タガログ語)

Para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa isang kumpanya

Kahit na lumalala ang lagay ng kumpanya dahil sa novel coronavirus, hindi pinapayagang tratuhin nang mas mababa kaysa sa mga Hapon ang mga dayuhang manggagawa dahil lamang sa pagiging dayuhan nito.
 
1. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, ang leave allowance na ibinibigay sa mga manggagawa sa oras na sila ay pinag-leave dahil sa kalagayan kumpanya ay dapat ding ibigay sa mga dayuhang manggagawa.
2. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, ang mga subsidiyang binabayaran ng estado sa mga kumpanya upang maprotektahan ang trabaho ng mga manggagawa ay magagamit din ng mga dayuhang manggagawa.
3. Tulad ng sa mga manggagawang Hapon, maari kang gumamit ng paid vacation leave kung kailangan mong mag-leave sa trabaho.
4. Kung ikaw ay kukuha ng leave sa kumpanya dahil sa pagsuspinde ng klase ng paaralan ng iyong anak, bukod pa sa paid vacation leave, maari ka ring kumuha ng special leave kung may ganoong sistema ang iyong kumpanya.
5. Ang pasisisante ay hindi basta bastang magagawa ng isang kumpanya. Kung magsisisante ang isang kumpanya ng dayuhang manggagawa, kailangang kapareho ng sa mga Hapon na manggagawa ang mga patakarang gagamitin.

Kung kailangan mo ng tulong, komunsulta sa iyong lokal na Labour Bureau, Labour Standards Inspection Office o Hello Work.
(*Ang mga nakasulat sa taas ay pareho ng laman ng flyer)

Leaflet】 (5/12)

○ Ang mga sumusunod ay ang mga madalas na katanungan.
[Tumalon sa Q&A para sa mga manggagawa](Simula Abril 17, 2020)

○Ang Labor Bureau ay lugar kung saan maaring kumonsulta tungkol sa mga sumusunod.
・Ang mga namomroblema dahil sa kumpanya o sa trabaho, ngunit hindi alam kung saan pwedeng kumonsulta.
[I-click ito para sa contact information ng Labor Bureau]
*Ang contact information ay naka-Hiragana at Romaji

Ang Labor Standards Inspection Office ay lugar kung saan maaring kumonsulta tungkol sa mga sumusunod.
・Paano makakuha ng leave allowance
・Paano gamitin ang paid vacation leave
・Mga patakaran sa pagsisante
・Iba pa, mga bagay na may kinalaman sa kondisyon ng pagtatrabaho tulad ng sahod o oras ng pagtatrabaho
[I-click ito para sa contact information ng Labor Standards Inspection Office]
*Ang contact information ay naka-Hiragana at Romaji

 
○ Ang Hello Work ay lugar kung saan maaring kumonsulta tungkol sa mga sumusunod.
・Paraan ng paghahanap o pagpapakilala ng trabaho
・Paano makakuha ng benepisyo ng unemployment insurance kapag huminto sa pagtatrabaho
[I-click ito para sa contact information ng Hello Work]
*Ang contact information ay naka-Hiragana at Romaji
 
○ Kung nag-aalala o nais malaman ang tungkol sa pagkakahawa ng coronavirus, mangyaring tingnan ito.
[Link para sa website ng coronavirus]